December 13, 2023 ,Sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-NCR at ng Quezon City Government, isinagawa ang isang site visit sa Apugan Cave na matatagpuan sa loob ng La Mesa Watershed.

Kasama sa mga bumisita sa kweba si Konsehal Vito Sotto-Generoso, kasama ang mga kawani mula sa Climate Change and Environmental Sustainability Department, Tourism Department, Parks Development and Administration Department, Disaster and Risk Reduction Management Office, at ang Public Affairs and Information Services Department.
Ang Apugan Cave ay isang klaseng Cave II at ito ang tanging kweba na matatagpuan sa loob ng Metro Manila. Sa kasalukuyan, ang kwebang ito ay hindi pa bukas sa publiko ngunit maaring makipag-ugnayan ang mga interesadong indibidwal sa DENR-NCR upang mag-schedule ng gabayang paglilibot.


Ang pagsusuri sa kweba ay naglalayong mapanatili ang kalikasan nito at mabigyan ng tamang pag-aalaga, habang hinahanda ang lungsod para sa potensyal na pagbukas nito sa publiko sa hinaharap.
DONATION OF TABLE TENNIS EQUIPMENT
Noong Pebrero 2, 2024, ipinaabot ni Konsehal..
QC Anti Rabies Drive
Tuloy tuloy parin ang kampanya ng Quezon..
MINI CARAVAN
Ang masiglang Mini Caravan ang dinala ng..
Leave a Reply