Matagumpay na isinagawa ang Anti-Flu Vaccination Project para sa mga Senior Citizens,
pinangunahan ng Opisina ni Konsehal Vito Sotto Generoso at Quezon City Health Department noong ika-17 ng Nobyembre, 2023 sa Salam Compound, Barangay Culiat!
Ang proyektong ito ay naglalayong palakasin ang resistensya ng ating mga lolo at lola laban sa flu, isang hakbang upang mapanatili ang kanilang kalusugan sa kabila ng mga pagbabago sa panahon.
Sa pagsasanib-puwersa ng lokal na pamahalaan, ipinapakita ang malasakit at pangangalaga sa kalusugan ng bawat mamamayan.
Leave a Reply