Umikot ang isang Wellness Caravan sa Area 5B Open Court, Barangay Sauyo noong ika-10 ng Nobyembre, 2023, sa pamumuno ng Tanggapan ni Konsehal Vito Sotto Generoso, at sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng ating Vice Mayor Gian Sotto.

Sa nasabing kaganapan, mahigit 200 residente kabilang ang matatanda at bata ang nabigyan ng libreng serbisyo katulad ng Hot Oil, Hair Spa, Manicure, Hair Cut, Facial at mayroon ding Feeding Program.
Leave a Reply