Matagumpay na Isinagawa ang Anti-Flu Vaccination Project ng Opisina ni Konsehal Vito Sotto Generoso at Quezon City Health Department para sa mga Tricycle Operators at Drivers noong ika-10 ng Nobyembre, 2023 sa BP TODA Terminal! Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas pinatatag ang proteksyon ng ating tricycle operators at drivers laban sa flu virus, na nagiging bahagi na ng pang-araw-araw na tungkulin sa kalsada.
Ang pagbibigay ng libreng bakuna ay hindi lamang naglalayong mapanatili ang kalusugan ng ating mahalagang sektor ng transportasyon, kundi pati na rin ang pagpapababa ng kaso ng flu sa ating komunidad. Ang pagkakaroon ng malusog na katawan ay mahalaga para sa masiglang pangangalakal at ligtas na paglalakbay ng ating mga tricycle operators at drivers.
Leave a Reply