
Upang proteksyunan ang kalusugan ng komunidad, nagsagawa ng Anti-Rabies Vaccination sa SRCC Pabahay, Pingkian 2, Barangay Pasong Tamo noong Oktubre 26, 2023 ang Quezon City Government sa pakikipagtulungan ng Quezon City Veterinary Department at ang opisina ni Konsehal Vito Sotto Generoso.
Sa pamamagitan ng “QCARD,” ipinapaabot natin ang mahalagang mensahe ng kalusugan at kaligtasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng rabies-free Quezon City. Maraming salamat sa lahat ng volunteers at sa mga nagbigay ng suporta para sa tagumpay ng nasabing proyekto.

Leave a Reply