Isa na naming matagumpay na grassroots football program na isinagawa ng tanggapan ni Councilor Vito Sotto Generoso para sa mga kabataang may edad na 14 pababa ng Barangay Balonbato at Barangay Unang Sigaw.
Sa ilalim ng programang ito na ginanap noong ika-4 ng Nobyembre, 2023, sa Bonifacio Memorial Elementary School Covered Court, nagkaisa ang mga kabataang sa paglalaro ng football, isang sport na nagpapalaganap ng halaga ng disiplina, teamwork, at pagsusumikap sa mga kabataan.
Maraming salamat sa pamunuan ng Bonifacio Memorial Elementary School at naturang Barangay, mga magulang, at volunteers na nagbigay ng kanilang oras at tulong upang matupad ang programang ito.
Leave a Reply