Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, ang mga batang Sangandaan ay nabigyan ng pagkakataon na mahasa ang kanilang mga kakayahan sa larangan ng football, isang palarong hindi lang nagbibigay saya kundi nagbubukas din ng mga pintuan sa kinabukasan.
Mahalaga ang pagsasagawa ng mga gantong sports clinic sa mga komunidad tulad ng Sangandaan, dahil hindi lamang ito nagpapalakas ng pangangatawan kundi nagtataguyod din ng disiplina at teamwork sa mga kabataan. Ang football ay nagbibigay-diin sa kooperasyon at pagkakaisa, na mga kasanayang mahalaga hindi lang sa paglalaro ngunit pati na rin sa mga aspeto ng buhay. Sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidad, natututunan ng mga bata ang pagpapahalaga sa respeto, disiplina, at dedikasyon.
Leave a Reply