Maraming salamat po sa mga nakibahagi sa proyekto ni Konsehal Vito Sotto Generoso kasama ang Quezon City Health Department na pagbabakuna kontra Pneumococcal Vaccine para sa mga Senior Citizens ng Purok 4, Barangay Culiat!

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng Pneumococcal vaccine sa ating mga minamahal na senior citizens, ating pinapalakas ang kanilang resistensiya laban sa malalang sakit. Kasama natin silang labanan ang mga panganib na dulot ng Pneumococcal bacteria, na maaring maging sanhi ng pneumonia, sakit sa baga, at iba pang komplikasyon.
Leave a Reply